Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2017
Alamat ng Ibon by: Naika Vinnela L. Manaig Sa baryo pinagpala, may isang batang lalaki ang naninirahan na nagngangalang Ivo. Si Ivo ay hindi normal na bata, mayroon siyang kapansanan, hindi siya nakakalakad. Buong araw siyang nasa kanilang bahay ngunit nakakatulong siya sa kanyang pamilya. Tuwing umaga, siya ay nagbubunot at naglalampaso gamit ang kanyang dalawang kamay, tumutulong din siya sa pananahi na inihahatid ng kanyang ina sa bayan upang pagkakitaan. Matalinong bata si Ivo kahit hindi siya nakakapag-aral ay marunong siyang magbasa at magsulat sa tulong narin ng kanyang kuya Rene, ang kanyang nakatatandang kapatid. Tuwing dapit hapon naman, tinatanaw na lamang niIvo ang mga batang naglalaro sa harap ng kanilang bakuran. Isang araw, nakaupo si Ivo sa harap ng kanilang bakuran, habang naglalaro ng habulan ang mga bata. "Tara laro tayo?", alok ng isang batang babae kay Ivo. "Hindi ako pwede sumali." malungkot na tugon ni Ivo. "Bakit?" na...